Shake, Rattle, and Roll, Kung Ako Nalang Sana, Pataying sa Sindak si Barbara, Batang X, Got to Believe, Magnifico, Anak, Wansapanataym, at Magic Temple ay iilan sa mga natatandaan kong mga pelikula pag pinag-uusapan ang mga lokal na indsutriya. Yan lang talaga natatandaan kong pinanuod ko. Hindi kasi ako ganung ka "in" sa panunuod ng mga tagalog movies. Marahil siguro sa impluwensya nga mga tao sa paligid ko na pag nababanggit ang mga lokal na mga pelikula ay tumataas ang kilay. Problema nga lang, di ko mababa ang mga kilay nila.
Natatandaan ko nun nung paulit-ulit ako nanuod ng "Got to believe" nina Rico Yan, sumalangit nawa, at ni Claudine Barreto (di ko alam ispellingin) ay halos itakwil nako ng mga kapatid ko. Maganda yung movie may "kilig" factor kang makikita pero iba parin talaga yung palabas na "Kung Ako Nalang Sana" nina Aga Mulach at Sharon Cuneta. Iba talaga. Swear. Promise. Nakakatawa na, nakakatuwa pa. San ka pa 2-in-1 parang kape lang?!
Sa totoo lang, madaming magagandang obra ang mga Pinoy bukod sa mga pa-tweetums na mga palabas na halos buwan buwan meron kahit na pare-parehong artista at yun at yun lang lagi nila ginagawa. May mayaman at mahirap tapos nagkakainlaban sila sa isa't isa at yun na! Ending na! Oh come on! Diba pwedeng iba naman? Diba pwedeng may pagka "indie" ang dating? Ayun nga nagkainalban si kuya kay ate (not literally magkapatid ah), naging sila, naging masaya, tapos nalaman nung babae na ang nakahit-and-run pala sa kapatid niya na pinaghihirapan niya ipagamot ay yung lalake. Tapos dahil sa sobrang pagttrabaho nagkasakit yung babae at kinailangan ng isang parte ng katawan o ng puso o ng mga mata o kahit ano tapos ang nagdonate yung lalake tapos namatay yung lalake at nagepic fail yung operation nung babae. Sa huli, pareho silang nasa heaven, kung yun man napuntahan nila.
Naalala ko tuloy yung pelikula sa aming pinapanuod nung isang araw. Sikat at humakot siya ng parangal nung panahon niya pero ngayon mangilan ngilan nalang ang nakakaalala, kahit magulang ko akala ginogoyo ko sila nung sinabi ko na may magadang lumang pelikula akong nagustuhan. Ang pelikulang ito'y ang "Kisapmata" sa direksyon ni Mike de Leon. Parang kanta lang ng Rivermaya. Kung gusto niyo malaman ang synopsis, i-google niyo nalang kasi yun din gagawin ko pag naghahanap ng summary ng isang istorya. Sayang oras kaya pag isasama ko pa dito at ikaka-bore lang nga mga nagbabasa.
Hindi ako fan ng mga lumang mga palabas, pero nagbago lahat yun nung napanuod ko yung "Kisapmata". Noong una nga akala ko horror siya kasi yung scoring parang may pagkahorror ang dating, yung tipong mag biglang lalabas na white lady sa gilid na di naman nakakatakot kasi halat yung make-up. Anyway, wala ngang mga white lady o undin sa "Kisapmata" pero yung mga shots o kuha sa mga artista ay di ka lulubayan. Maaalala mo ng maaalala sa ganda ng dating at pagkakailaw sa mga mukha nila sa ibang mga eksena. Tatatak sa isip mo. Mas lalo na ang mukha ni "tatang", ang character na ginampanan ni Vic Silayan.Sa tingin ko isa sa mga katangian ng pagiging isang tunay na aktor ay ang pagkuha ng loob ng mga manunuod, sa palabas na to ay nakuha ang atensyon ko ni Vic Silayan sa galing niyang umarte. Talagang naasar ako at nagalit sa kanya. Ganun niya nakuha ang atensyon ko. May mga oras na hindi ko maggawang magalit sa kanya kasi natakot ako. May mga eksena sa palabas na hindi mo alam kung anong pwede niyang gawin. Parang pag natrip-an lang ni tatang eh lalabas siya ng bahay at magsusuplex (wrestling move) ng mga kapitbahay. Kinabahan talaga ako sa mga kinilos niya kasi may presensya ng pagiging misteryoso at ang ere ng peligro. Isa pang dapat mapuna sa palabas na ito ay ang husay ni Charo Santos umarte. Siya ang gumanap sa anak na hindi makaalis ng poder ng kanyang ama dahil sa isang madilim na sikreto. Isang sikreto na maraming masisira maging ang samahan ng bagong kasal na si Mila (Charo Santos). Isa pang kapansing pansing kaibahan ng pelikulang ito ay ang istorya. 'Di ko man nagustuhan ang ending, di din ako makakaangal kasi yung base ang palabas na ito sa totoong buhay. Pero ang pagkakaayos ng istorya at pagkakasunod sunod ng mga pangyayari ay magiiwan sa mga manunuod na nag-iisip dahil may mga parte sa palabas na hindi talaga pinakita, kundi pinadama lang.
Walang halong bola, kung itatapat ang "Kisapmata" sa mga palabas ngayon, hindi kakumpara kumpara. Ganun kaganda ang obrang 'to. Magdaan man siguro ang maraming taon, ang mga pelikulang katulad nito ay laging ipagmamalaki ng mga Pilipino kung saan man sulok ng mundo.